Friday, March 7, 2008

Artista ka sa mga Artista

Boom!

Like Music to enchant ears

They say
Art is for art sake.

Yuck!

Yuck! Yuck!

Like sensless notes
With syntonated voices!

Ahaha

Ohohoho

Adoo-doo-doo
A-gaga-go

Ahaha

Cry! Cry! Cry!




O ngayon,
Ano napala niyo doon?

Thursday, March 6, 2008

Ahehehe

Ahehehehe.... pasensya na talaga sa inyo. Wala pa akong maihanda na matinotinong post dito sa seryoso mode blog. Dami kasing dumadaloy na ideya sa aking kukote at hindi ko malaman kung ano ang uunahin ko sa mga iyon.

ahehehe...

oo nga pla,

ang Canada ay parang Land of the Dead.

puros nakasimangot ang mga tao.

Haaay, buhay,
ang boring pa dito.


O Pilipinas, nasaan ka?
[pilosopo: nasa South East Asia]

Wednesday, February 20, 2008

Kung ikaw ay sasadyain ni Kamalasan, ikaw ay makakaladkad sa lugar na hindi mo naman gusto pamuhayan. Ang masama pa doon, kung anu-ano na lang ang inoobliga ka nilang gawin. Haay, i hate Canada.

Friday, February 8, 2008

! Isang Masamang Balita !

ISang Masamang Balita:

Sa Ika-17 ng Pebrero na ako kakaladkarin ng aking magulang sa Canada.




HUHUHUHUHUHU

Sunday, January 20, 2008

ahehehe

ang hirap magkaroon ng diligence o ng pagkasinop sa buhay blog.

Pero ang masmahirap gawin ay maglagay ng mga bagay na may saysay.

Kaya natatagalan akong magpost.

Xenxa.

Ayaw ko kasing mabasa ng mga tao ang gawa at wala man lang silang mapulot.

Ang dami kasing ganoon eh...


abangan niyo nga pla yung hinahanda ko.

It's all bout God and the certain Truths behind Him.

Rekoleksyon #1

Isa ako sa mga tinatawag nilang Otaku, o ang mga wirdong dibyant na nawili sa mga produkto ng kulturang Hapon. (Halimbawa: anime, manga, videogames, CG, & cosplay)

Gaya ng inaasahan, madalas ako pumunta sa Quiapo at mag-shopping sa anime center doon. At oo, madalas akong alukan doon ng Hentai ng mga sikat na anime tulad ng Dragon Balls, Sailor Moon, Naruto, at Bleach. Ngunit, sa maniwala kayo o sa hindi, hindi ko talaga trip ang Hentai. Mahilig kasi ako doon sa may kuwento eh. Kaya karamihan ng binili ko ay yung may aesthetic o kaya nama’y intellectual appeal (madalas parehas). (Halimbawa: Death Note, Naruto, Bleach, Tsubasa Reservoir Chronicles, Rurouni Kenshin, Onegai Teacher, Mahou Sensei Negima!, Blood+, & iba pa)

Naalala ko nung minsan, nung nasa Taytay ako, inosenteng inosenteng nanonood ng Onegai Teacher ay narinig kung nagtawanan ang Tita ko at yung kinuha niyang taga-plantsa. Takang taka naman ako.

Unang una, hindi naman ko naman sila narinig mag-usap at sigurado rin akong walang naganap na bulungan dahil ang tirahan naming sa Taytay ay yung tipong pag-flush ng bowl ay maaaring marinig ng kapitbahay. (Kaya daming tsismosa roon eh.)

Pangalawa, ang nagaganap lang naman sa paligid ay ang aking panonood kina Mizuho at Kei nakasakay sa kanilang kotse at papunta na sa hotel na kanilang tutulugan.

Agad-agaran kong tinanong kung bakit? Ang sabi nila, kakaiba raw kasi yung wika niyang pinapanood ko – bastos daw at narinig nila yung salitang ‘puki’. Sa narinig kong yun ay hindi na ako nagdalawang-isip pa.

Inimpake ko na ang gamit ko. Mangilangngilang pamalit at ang aking hinuntdown sa Quiapo. Pagkatapos ay lumabas kaagad ako ng bahay at kumuha ng tricycle at nagpahatid sa gate ng subdivision. At noong nandoon na, nag-hits muna ako ng dalawang stick ng Marlboro Reds at pagkatapos ay sumakay na sa G-Liner papuntang Maynila. Doon ko na lang tinuloy ang aking panonood, sa bahay ng kaibigan ko.

Sa mundong ito, hindi mo malalaman kung sino ba talaga ang wirdo.