Sunday, January 20, 2008

ahehehe

ang hirap magkaroon ng diligence o ng pagkasinop sa buhay blog.

Pero ang masmahirap gawin ay maglagay ng mga bagay na may saysay.

Kaya natatagalan akong magpost.

Xenxa.

Ayaw ko kasing mabasa ng mga tao ang gawa at wala man lang silang mapulot.

Ang dami kasing ganoon eh...


abangan niyo nga pla yung hinahanda ko.

It's all bout God and the certain Truths behind Him.

Rekoleksyon #1

Isa ako sa mga tinatawag nilang Otaku, o ang mga wirdong dibyant na nawili sa mga produkto ng kulturang Hapon. (Halimbawa: anime, manga, videogames, CG, & cosplay)

Gaya ng inaasahan, madalas ako pumunta sa Quiapo at mag-shopping sa anime center doon. At oo, madalas akong alukan doon ng Hentai ng mga sikat na anime tulad ng Dragon Balls, Sailor Moon, Naruto, at Bleach. Ngunit, sa maniwala kayo o sa hindi, hindi ko talaga trip ang Hentai. Mahilig kasi ako doon sa may kuwento eh. Kaya karamihan ng binili ko ay yung may aesthetic o kaya nama’y intellectual appeal (madalas parehas). (Halimbawa: Death Note, Naruto, Bleach, Tsubasa Reservoir Chronicles, Rurouni Kenshin, Onegai Teacher, Mahou Sensei Negima!, Blood+, & iba pa)

Naalala ko nung minsan, nung nasa Taytay ako, inosenteng inosenteng nanonood ng Onegai Teacher ay narinig kung nagtawanan ang Tita ko at yung kinuha niyang taga-plantsa. Takang taka naman ako.

Unang una, hindi naman ko naman sila narinig mag-usap at sigurado rin akong walang naganap na bulungan dahil ang tirahan naming sa Taytay ay yung tipong pag-flush ng bowl ay maaaring marinig ng kapitbahay. (Kaya daming tsismosa roon eh.)

Pangalawa, ang nagaganap lang naman sa paligid ay ang aking panonood kina Mizuho at Kei nakasakay sa kanilang kotse at papunta na sa hotel na kanilang tutulugan.

Agad-agaran kong tinanong kung bakit? Ang sabi nila, kakaiba raw kasi yung wika niyang pinapanood ko – bastos daw at narinig nila yung salitang ‘puki’. Sa narinig kong yun ay hindi na ako nagdalawang-isip pa.

Inimpake ko na ang gamit ko. Mangilangngilang pamalit at ang aking hinuntdown sa Quiapo. Pagkatapos ay lumabas kaagad ako ng bahay at kumuha ng tricycle at nagpahatid sa gate ng subdivision. At noong nandoon na, nag-hits muna ako ng dalawang stick ng Marlboro Reds at pagkatapos ay sumakay na sa G-Liner papuntang Maynila. Doon ko na lang tinuloy ang aking panonood, sa bahay ng kaibigan ko.

Sa mundong ito, hindi mo malalaman kung sino ba talaga ang wirdo.