Friday, December 21, 2007

White Snow

The Great Filipino Dream: ang makakita ng Snow. At para makakita ng Snow, kailangan nilang pumunta sa America, or somewhere familiar. Basta ba may matatangkad at puti ang balat.

Kung pag-aaralang mabuti, dalawang dahilan ang makikita sapagkat ito ay lantad na lantad. Una, dahil ang mga Pilipino ay nagnanais na makakita ng panibagong kultura ng panahon. At alam naman ng lahat na ang Winter ay sadyang hindi katutubo sa ating bansa. Wala nga tayong direktang katumbas ng Winter sa wika natin.

Kung isasalin, ang pinaka malapit na salita sa Winter ay Tag-lamig, ngunit, magkaiba ang kahulugan ng dalawa. Unang-una, ang Winter ay isa sa apat na Seasons na ang meron lamang ay ang mga bansang wala sa Equitorial Line.
Pangalawa, magkaiba ang mukha ng dalawa. Ang Winter ay may pisikal na manipestasyon at ito ay an gating tinatawag na Snow. At ang Tag-lamig sa ating bansa ay tanging paglamig lamang. Natural na masasabi natin na banyaga o foreign ang penomena ng pag-Snow sa ating bansa at natural lang na sabihing na nakakahumaling masaksihan.
Ang daming nagrerekomenda na pumunta ka ng America, Canada, London, Austria, Italy, Australia, o New Zealand para makakita ng Snow. Ang nakapagtataka ay kung bakit sa mga lugar lang naman na ito lamang umiikot ang mga rekomendasyon, eh hindi lang naman dito ang may Snow, di’ ba?
Isa sa mga lantad na dahilan ay ang pagnanais na makakita na panibagong kultura. Natural lang naman din ito. Ang kapansin-pansin lang naman ay dahil sa kung ang kulturang Europeo ang ating ninanais na masaksihan ay halos wala naman na itong pinagkaiba sa ating kultura. Humigit kumulang 300 taon tayong pinanghawakan ng Espanya at sapat na ang tagal ng panahong ito upang magkaroon ng nakalalaking impluwensya sa paglago ng ating kultura. Kaya nga ang mayorya ng populasyon natin ay Kristyano. At mahigit 45 taon naman tayo ding pinanghawakan ng mga Amerikano at higit pa sa sapat ang tagal na panahong iyon upang maging second language natin ang English. Kaya nga may Tag-lish at Eng-alog, di’ ba?.

Meron naman Snow sa iba pang bahagi ng mundo. Kung Snow at Snow lang, maaari naman tayong magtungo sa Japan, ang Land of the Rising Sun, ay kapitbahay lang ng bansang Pilipinas – Dragon Economy pa. Hindi na nga yata ankop ang titulo ng Land of the Rising Sun sa Japan ngayon, Land of Unbelievable Technology na dapat yata eh. At kung dahil sa sightseeing purposes, mas may naangkop na antas ng kamulatan sa sining ang mga Hapon na hindi halintulad sa ating kanluranin oryentasyon sa arkitektura.
Kung puti at puti lang ang balat ang dahilan upang masabi na ‘iba’ ang kultura at ang pagiging ‘iba’ ng kultura na ito ang batayan upan magtungo o manirahan sa bansa nila, ang mga Arabo (yung Arabo talaga, at hindi napagkamalan lamang na mga Bangladeshi, Pakistani, at Palestino) ay maputi rin at sadyang ‘iba’ talaga ang kultura.
Hindi ko na kailangan isaad ang lantad na. Okay, by request, in English: Well, I no longer need state the obvious.

No comments: